Monday, November 12, 2007

HELL - RT (blog file - 3)

Friday, August 18, 2006

*TOOT-TOOT!!* *TOOT-TOOT!!*

Alas siyete ng gabi ako gumigising halos araw-araw. Dahil isa akong "call-boy" sa gabi ako buhay. Kapag tumilaok na ang alarm clock ko, simula na ang rambulan!

Kain. Nuod ng TV at siyempre, LIGO.

Simula nung natutunan kong magsuot ng briefs, hindi lumipas ang isang araw na umalis ako ng bahay ng hindi naliligo. Normal lang naman na malinis ang katawan natin bago isuot ang bagong labang damit, isuot ang bagong plantsang maong, binyagan ang bagong medyas at pares ng sapatos.


NATURAL lang na maligo ka bago humarap sa mundo.



Ayan, malinis na ko, mukha ng tao. Makinis ang nuo at pisngi at ayos na ayos ang buhok parang buhok ni Mon Confiado.



6 na minutong paglalakad lang at nasa LRT na ko. Carriedo station. Akyat sa hagdan...kindat kay Manong Guard na palagi akong pinapalagpas sa pag-ffrisk dahil alam niyang nagmamadali na ko...bibili ng ticket papuntang Gil Puyat station. Tatayo sa 'men's section' at hihintayin ang pagdating ng tren.
Sa puntong ito, pawis na pawis na ko. Dahil naglakad ako mula samin hanggang istasyon, umakyat ng hagdan, at pumila sa bilihan ng ticket. Pagdating ng tren, ginhawa dahil pumapalaspas ang hangin habang bumubulusok ang tren palapit sa loading area. Pagpasok ko...dyan na nagsisimula ang pinakamahabang kinse minutos ng gabi ko. Pumasok na ko sa kili-kili ng LRT.



Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Halos lahat ng mga paalala at sticker na nakadikit sa kisame, bintana at pintuan ay pawang KATARANTADUHAN. Sa kinatatayuan ko, apat na sticker na nagsasabing 'AIR CONDITIONED ang TREN, HUWAG BUKSAN ANG BINTANA'.



Magsisimula na ngayon akong mangati at magalburuto! SAKSAKAN ng INIT sa LRT mga kapwa ko maralitang Pilipino. Hindi matutumbasan ng pagpasok mo sa loob ng maleta ang init na mararanasan mo sa iyong pagsakay sa tinaguriang proyekto ng Pangulo. Pawang mga daga na pinasok sa loob ng medyas ng Arabo ang mga pasaherong umaasa sa tren ng impyerno. Tumutulo ang pawis ko mula sa nuo, pisngi, nguso at baba pabagsak sa sahig. At kung minsan, pabagsak sa kamay o hita ng babaeng nakikidagdag pa sa sikip ng 'mens section' dahil saktong nakatutok ang pagkaka-upo niya sa kababagsakan ng pawis ko.



Hindi ako lubos na makapinawala bakit hindi man lang mapalakasan, mabigyan ng karampatang check-up ang AC ng tren kahit libo-libong pasahero ang nagbabayad ng 12 hanggang 15 pesos bawat isa sa bawat pagsakay. Araw-araw.



No comments: