Monday, November 12, 2007

Blog Post Reloaded - 1

Wednesday, July 19, 2006

22 years na akong TAO...

In three days, im adding another hair on my age. Adding another year on my Life's portfolio. Pero bakit parang hindi ako masaya. Bakit parang may kulang. Is it because adding another year means having more responsibilities and having more problems to live with? My answer is a resounding NO.

I am proud to say that im a survivor. Oo, alam ko nasa isip mo, lahat naman ng tao halos nagsasabi na 'survivor' sya...lahat halos inaangkin ang titolong "Experto sa buhay". Well, I wouldn't take that away from them kung yun ang pakiramdam nila. I think everybody goes through shit everyday, everybody goes through their own little war with life's imperfections.

Lagpas dalawang dekada na akong TAO. Looking back, I feel like im way ahead of schedule. Sa edad kong to, naglalaro pa dapat ako ng Counterstrike sa may kanto, nagbibilyar araw-araw (may pusta pang bayad-mesa), gumigimik tuwing biyernes at sabado sa Malate, Eastwood at Timog. Pero hinde, I refuse to drown myself from all those little things that wouldn't make me any richer or make me a better person than what I am now.

Well, ayokong magpakahypokrito, yes I've done all those things before. Lahat ng mga bagay bagay na yan, nagawa ko na ng maaga. Napagdaanan ko na lahat ng kalokohan, katarantaduhan at kawalanghiyaan na pwedeng gawin ng isang bente-uno anyos na binatang lunod sa testosterone at ego.

In my own right, bakit ko nasabing isa ako sa mga dakilang survivors ng era ni Ramos, Erap at GMA? Bakit ko tinuturing ang sarili ko na isang "LIFER"? Maraming dahilan, may pribado, may mababaw at may mga dahilan na ako lang at ang konsensya ko ang makakaintindi.

Sa edad na 22, nagkaroon na ako ng karanasan sa pangmatagalang pakikipagrelasyon, twice. Yung isa kapalpakan ko, yung isa kapalpakan ko rin. Naranasan ko na rin magtrabaho nung 18 palang ako while trying to swim my way through college. Naranasan kong mapabilang sa isang scam. Naranasan ko rin umani ng papuri sa paglalaro ng basketball at sa pagiging isang tapat na kaibigan. I've experienced being an ass, and being assed-up. Mang-iwan at iwanan. Nakasakay na ko sa kabayo, elepante at unicorn (lahat yan sa Fiesta Carnival ko lang naranasan), Nakapunta na ko sa tuktok ng Pilipinas (Batanes, Cagayan) at sa mga paraiso gaya ng Boracay, Galera at Hotel Paradis, If you know what I mean. Nakatikim na ko ng sisiw, pagong, ahas, bayawak at sariwang laman, again, if you know what I mean. Hindi na mabilang sa kamay ang mga naging sakit ko mula ulo hanggang paa mula pagkabata, but I've only stayed in a hospital twice. Una nung isinilang ako, pangalawa nung nadali ako ng Dengue. Napabilang na ko sa riot, gulo, mano-mano at Street Fighter volumes 1,2 and special edition. Lahat na halos ng hayop na maiisip mo, naging pet ko na. Pero lahat patay na.

Moment of silence please...

Ok, continue.

Naranasan ko na rin mabigo sa trabaho, pag-ibig, pamillya, pera at Poker. Siguro mapupudpod na
tong keyboard if Im going to continue narrating everything that happened to me since birth.

So what would make my life complete? Only she knows the answer. But Im not gonna sit my ass here without making things happen for me. Kailangan kong mahalin, intindihin at minsan, pagbigyan ang sarili ko para masabi kong kumpleto ako at masayang nakakalusot sa araw araw na peligrong dulot ng buhay at ng mundo.

After all the stuff that happened to me before, isa lang na-realize ko...

You dont solve LIFE. YOU LIVE IT.

Itaas natin mga "LIFERS"...

No comments: