Monday, November 12, 2007

P A T I N G (blog file-8)


Sunday, October 07, 2007

Ok, makinig kayong mabuti.

Alam ko random lang toh. Bigla lang pumasok sa kokote ko. But this is really important. 95% of the time, hindi ito narerealize ng tao.

Nasa pantry ako ng opisina. Kumakain ng spaghetti at Chicken Joy(Oo, masarap ang manok sa Jollibee!) bago pumasok sa floor atmaghanap-buhay. Nagkataon ang palabas sa TV eh tungkol sa mga hayop.Discovery channel. Tungkol sa mga SHARK ATTACKS sa CALIFORNIA.

Ipinakita dun ang bangis ng mga pating, lalu na sa mga taong nagsu-surf, deep dive at kung ano man maisipan nilang gawin sa gitna ngdagat. Nakaka-amoy ang pating ng isang patak ng dugo kahit 3 milya anglayo. Madalas din pagkamalang 'seal' ang mga surfers - dahil kung ikawang pating at titingala ka sa surfer na nagpa-paddle, korteng 'seal'ang iyong makikita at tiyak magdidilim din ang paningin mo.

Ang isang bagay lang na pumasok sa isip ko... Tama ba talagang SHARK ATTACK ang tawag dun?? Kasi ang TAO san ba namumuhay?...sa LUPA. Ang PATING san namumuhay?...sa DAGAT.

Sino ang trespassing? TAO.

So in theory, sino ang UMATAKE? yung TAO.

Sino ang nagtanggol lang ng teritoryo? yung pating.

Masasabi lang nating UMATAKE ang isang pating kung: Nasabahay ka, sa sala...nanunuod ng paborito mong telenovela, at biglangmay pumasok na pating sa bahay mo at nilamon ka ng buhay. Yun ang SHARKATTACK.

Makes sense right? Im doin' the Lord's worth here. Hehehe...

No comments: