Monday, November 12, 2007

Pagbabago. Maganda yan.


Sa 'di inaasahang pagkakataon. Kinailangan kong lumipat ng BLOG site dahil nagkaroon ng slight 'security issues' ako sa luma kong lungga. Sarili ko rin namang katangahan. Pero gaya ng lagi kong sinasabi: Maganda ang pagbabago. Ang lahat ng blog's na nai-post ko doon, dadalhin ko pa rin dito. Bakit? Kasi sayang. Hindi na maibabalik yung naramdaman kong tuwa, inis, lungkot at kung ano ano pa habang sinusulat ko ang mga iyon, kaya kelangan ko silang buhayin, dito sa bago kong bahay. Salamat ng marami Wordpress.com at ako'y iyong kinukupkop.

Put*ngina, blogger.com nga pala toh. Hehehe...

Ok, game! Simulan na ang paghahasik ng lagim!


No comments: